September 2010
M T W T F S S
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

--

pabayang estudyante. mareklamo. ngumingiti. sumisimangot. takot sa tao. takot sa mundo. natutulog sa dyip. nadadapa. natatapilok. nagtatanga-tangahang tanga. tsk tsk...

Message Board

jc08(Unni):

hi~nice blog..naaliw ako sa mga posts mo,,can i link your blog?thanks~

Sinukuan:

Ang ganda dito.

sinukuan:

Salamat sa pagdaan. Patambay din, kaibigan.=)

tsktsk:

@SAMJUAN: waaaaah! bat ganun? sabi sa mail ko may sinend kang comment.. pero bat ganun? wula naman? waaah! tsk tskk!

Samjuan:

Nakikibasa! Mabuhay ka!

Leave a message ▼

Feed your soul

Sponsored Links

3rd full moon

July 20, 2008

july 19, 2008

naglalakad ako sa kahabaan ng overpass ng Unibersidad ng Santo Tomas kasama ang aking kaibigan. hindi ko inakalang ganoon ang mangyayari. nagitla ako. napasigaw. hindi ko nga inakala na ganoon pala kalakas ang aming sigaw na rinig halos lahat ng mga tao doon sa overpass.

papauwi na kami noon- ako at siya. hindi na kami mapakali sa aming mga sarili. sobrang ihing- ihi na kami at napagdesisyunan naming tumawid sa kabilang parte ng uste upang yun nga. naisipan naming pumunta sa goldilocks upang maki-cr. pagkatapos noon ay bumalik na uli kami sa kabila upang mag-abang ng dyip pauwi.

naglakad kami muli paakyat sa overpass. may isang batang lalaking nakaputi. pulubi. punit- punit ang kanyang damit at masasabi kong isa siyang bakla. napansin ng aking kaibigan na sinusundan niya kami. kaya naman ay nagbagal kami ng kilos para paunahin siya.. pero nananatili siyang nasa likuran namin; habang kami naman ay mabagal na naglalakad upang iwasan ang mga tubig na humaharang sa aming dadaanan. at ayun nga. nagulat na lang kami nang biglang napansin ng aking kaibigan na may kinukuha si boy pulubing bakla na nakaputi doon sa bag ng aking kaibigan. paksiyet. sa sobrang kaba ay napatili kaming dalawa. hindi ko na halos maalala ang mga pangyayari. basta naalala ko na lang na hinampas siya ng aking kaibigan. at nagsabi pa nga ng “sorry” yung bata nung nahuli naming kinukuha nito ang selepono ng aking kaibigan. kabado. nanginginig. napatakbo ang bakla. 

 pasalamat na lang kami at bakla yung mandurukot. tsktsk..

Posted by tsktsk at 18:55:00 | permalink | Add comment

he dirtied my white sneakers!

July 18, 2008

I CURSE YOU, MAN WHO STEPPED ONTO MY WHITE SNEAKERS!

naiinis ako. ang puti puti pa naman ng sneakers ko, tapos siya lang ang makakadumi dun! nakakainis talaga! tinapakan niya, kahit na sabihin nating hindi niya sinasadya na maapakan yung sneakers ko, still nakakainis siya. hindi ba niya kayang iwasan yun? hindi naman malaking harang yung maliit kong mga paa para makaiwas siya ah. rrrrrraaaawwwrrr! kayputi- puti nun tapos dinumihan niya. ayaw na ayaw ko pa naman na nadudumihan lahat ng mga gamit kong puti. nakakainis talaga siya. kapag nakita ko ulit siya, papatirin ko siya! grrr!

Posted by tsktsk at 23:12:00 | permalink | Add comment

kagabi nanaginip ako…

…nakita ko ang sarili ko at ang dakila kong enabler sa accounting. hindi ko alam ang gagawin ko. hindi naman ako takot sa kanya. hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. nakaupo lang naman siya. tapos ako nagrereview ng malakas sa harapan niya… nirereview ko ang bank reconciliation, ang accounting policies and estimates, cash and cash equivalents, proof of cash pati na rin cost of goods sold. nasa mood ako nun mag-aral. ang sarap-sarap matuto ng accounting noong mga panahong iyon. pero nakaupo lang talaga ang prof ko sa harap ko at tinitingnan ako kung paano ako magreview ng malakas. pagkatapos ay bigla na lang siyang nawala, at nagising naman ako bigla.

Posted by tsktsk at 8:16:00 | permalink | Add comment

dear dumb diary,

yesterday, i learned to never underestimate your dumbness… and… and… and never ever think of luck as an existent matter. if ever, both dumbness and unluckiness come across your day with great dominance that even fate can’t control it, then i might suggest to kill yourself immediately. only dumb people [with low tolerance for pain] will do my suggestion, of course. poor you, if you believe all my words here.

so, where are my words heading to? [i don’t know]

Posted by tsktsk at 6:46:00 | permalink | Add comment

i shall confess

July 17, 2008

Heavenly Father, patawad po kasi nagsabi ako ng bad words. sabi ko po Put%@#&@#^o.. sorry po talaga.

nakakainis kasi eh. hindi na nga po ako marunong tumawid, tatawa tawa pa yung drayber nung hindi siya humihinto habang pinapara ko siya. nakakainis kasi eh. muntik na akong mamatay, hindi pa niya tinuloy. eh di sana natuwa ako sa kanya nung tinuloy na niya yung pagsagasa sa akin. diba nakakabad trip iyon?

ito pa po ulit. nasabi ko ulit yun nung may dumaan namang rumaragasang kung anu mang sasakyan yun tapos tinilamsikan ba naman yung mukha ko. di ba nakakabad trip iyon? pagod na pagod na nga ako noon galing eskwelahan tapos dadagdag pa siya para uminit ulo ko. nakakainis iyon.

dalawang beses ko nasabi yung murang yun ngayong linggo. baka umurong ang dila ko isang araw, o kaya ay maubos ang ipin ko. ayaw. nakakatakot. pramis po. hindi na po ulit ako magmumura intentionally.

Posted by tsktsk at 22:41:00 | permalink | Add comment