Home » Page 6
nababagabag
July 25, 2008paglalakad, nakakasama. nakakasakit ng binti lalo pa’t ang suot na panyapak ay may takong. sabihin man nating nasanay na sa pagsuot ng sapatos na may takong, di pa rin natutuwa ang mga binti. masakit. pumipintig. may natatanaw na varicose veins. ampangit. ang sakit. ang sakit. ang sakit! parang pasa. nasa loob ang sakit. wala na. matanda na ba ako? matanda na ba ang mga nagakakaroon ng varicose veins? natural lang daw ito. pero bakit ang sakit? naiinis tuloy ako. hindi ako mapakali sa tuwing nararamdaman ko ang sakit.
basta, ito na yata ang pinakamalaki kong problema ngayon.
NAKAKAIYAK.
Sailormoon
July 23, 2008natapos na rin sa wakas ang pag-ali-aligid mo sa utak ko.. madali na akong nakakatulog.. hindi ka na rin dumadalaw sa panaginip ko.. madalang na lang din kitang hanap-hanapin.. nasasanay na ako. sanay na akong wala ka. sana lang ay masanay ka rin na wala ako. sanayin mo na ngayon pa lang. kaya mo ‘yan. saglit lang naman akong mawawala, isang oras lang. matutulog lang ako nang mahimbing. pasensiya lang muna, darating ang araw at magkakadaupang- palad tayong muli. hindi ako magtatagal.
kung di mo na talaga kaya, tumingala ka lang sa kaulapan… ako ang mahiwagang buwan. palagi kitang pinapanood. hinding- hindi ka mawawala sa aking mga paningin. ako ang iyong dakilang taga-bantay. kakantahan kita sa tuwing ikaw ay nababagot.. kukwentuhan kita sa tuwing ikaw ay nalulungkot.. h’wag kang mag-alala, iingatan kita.
ipikit ang mga mata
nagsasawa na ako. ayaw ko ng mabuhay. sawa na ako sa bawat ginagawa ko sa araw- araw. sawa na ako. sawang- sawa na! hindi ko na alam ang dahilan ng mga ginagawa ko. magulo. malabo. walang kwenta.
sa bawat minutong dumadaan, hindi ko na maisip ang dahilan kung bakit pa ako nananatiling buhay… hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami- dami ng mga natitirang buhay sa mundo, eh isa pa ako sa mga minalas-malas na nananatiling buhay dito sa malamig na mundo. ewan ko nga ba eh. wala naman akong magandang naidudulot dito. pabigat lang naman ako. basura. latak. parang wala na akong dahilan para mabuhay. pero wala pa naman akong napapatunayan sa mundo.. ewan ko ba kung bakit ganito ang naiisip ko. siguro napanghihinaan lang ako ng loob… TAMA! yun na lang siguro ang pinakamagandang dahilan kung bakit ako ganito sa mundo. mahina lang siguro ang loob ko at hindi ko matanggap sa sarili ko na kasama ang salitang “failure” sa normal cycle ng buhay.
tama na muna. magpapahinga na lang ako. siguro ay napapagod na akong maging masaya. siguro ay kailangan ko naman daw makatikim ng hirap at sakit… siguro nga ganoon. sige, ‘yan na lang ang ipapaintindi ko sa utak kong makulit.
I WON’T MISS YOU
July 20, 2008
IT WAS THE THIRD FULL MOON- THE BLUE MOON. AND YOU DIDN’T REMEMBER ME. YOU’VE BURIED ME ALIVE IN YOUR DEEPEST MEMORY. I DON’T EXACTLY KNOW YOU. YOU DON’T EXACTLY KNOW ME. IT IS EXISTENT, HOWEVER. YOU’VE FORGOTTEN ME. 12 MONTHS, 365 DAYS. SCARED OF WHAT LOVE COULD BRING, YOU LEFT ME ALONE. ALONE WITH MY SHADOW, I WALKED ALONG THE BOULEVARD OF SILENT SCREAMS… AND THERE I SWEAR TO MYSELF THAT I WON’T MISS YOU… BUT WILL STILL BE HERE SILENTLY LOVING YOU.
je vous aime toujours.
quote of the day
Genuine tragedies in the world are not conflicts between right and wrong. They are conflicts between two rights.
-GWF Hegel


