February 2012
M T W T F S S
« Nov    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

--

pabayang estudyante. mareklamo. ngumingiti. sumisimangot. takot sa tao. takot sa mundo. natutulog sa dyip. nadadapa. natatapilok. nagtatanga-tangahang tanga. tsk tsk...

Message Board

ankara otelleri:

sad

bayrak:

thanks

ara bölme:

thanks

ara bölme:

thanks

rich:

sigh clocks

ae:

fff

ara bölme:

thanks

bayrak:

thanks

used stationary bikes:

nice blog boss…

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

Do not forget to always visit the Indonesia furnitur

jc08(Unni):

hi~nice blog..naaliw ako sa mga posts mo,,can i link your blog?thanks~

Sinukuan:

Ang ganda dito.

sinukuan:

Salamat sa pagdaan. Patambay din, kaibigan.=)

tsktsk:

@SAMJUAN: waaaaah! bat ganun? sabi sa mail ko may sinend kang comment.. pero bat ganun? wula naman? waaah! tsk tskk!

Samjuan:

Nakikibasa! Mabuhay ka!

Leave a message ▼

Feed your soul

Sponsored Links

LUCKY?

August 16, 2008

“You are lucky,

I mean, the luckiest person in the world

when the one you love decides to love you back. “

-One Tree Hill

 

Posted by tsktsk at 12:25:00 | permalink | comments[1]

STALKER.

August 10, 2008

If i could rename stalker, then it would be sky.

Noong bata pa lang ako, mahilig na akong tumingala sa langit. Hindi iniinda ang sinag ng araw, Manghang- mangha ako sa dulot na kahiwagaan ng kaulapan. Sabi ng nanay ko, lahat daw ng mga namatay na tao, gaya ng lolo ko ay pinapanood at binabantayan ang kanilang mga apo para ilayo sa kapahamakan. Parang guardian angel daw, kaso lang, hanggang tingin lang sila. Hidi nila kayang bumaba sa lupa kasi makukuryente sila pag sinubukan nila.

Masarap titigan ang langit. Masarap obserbahan. Tanong ko noon, bakit hindi nawawala ang langit. At tska bakit parang sinusundan ako…pumasok na nga ako sa loob ng bahay, nandun pa rin siya naghihintay para ako ay lumabas at tingnan ulit siya. Parang nangungulit na kalaro. Nakakatuwa. Parang sa bawat galaw ko ay nariyan siya upang ako ay bantayan. Hindi niya ako tatantanan kahit saan man ako magpunta. Siya ang aking dakilang tagasunod– ang aking tagabantay. Kung magkakaroon nga lang ng award, eh i-nonominate ko ang langit bilang “GREATEST STALKER”.

At dahil sa kapansin- pansing pagsunod sa akin ng langit, di ko maiwasang tingnan at titigan ito. Napapansin kong ito’y nagpapalit- kulay. Mula sa asul, nagiging kulay rosas… Kung minsan rin naman nakakagulat na bigla- bigla itong magiging kulay kahel at pula. Parang gusto nitong sabihin sa akin na may paparating na panganib. Nakakatuwa. Mawalan man ako ng mga taong kaibigan, alam kong nariyan ang buwan, langit at mga bituin para ako’y damayan. Hindi man nila ako nkakasama ng tuwiran, alam nila kung gaano ako kasaya makita ko lang sila…

Sabi nga sa nabasa kong libro, “Tumingala ka lang sa langit para guminhawa ang pakiramdam mo.” Totoo… Sa tuwing nalulungkot ako, tinitingnan ko ang langit at nagbubuntong hininga… Subukan mo. Nakakapatid-pagod at nakakagaan ng loob.

Posted by tsktsk at 1:52:00 | permalink | Add comment

my greatest desperations

August 9, 2008

Mga pinaka-inaasam-asam kong gawin sa buong buhay ko, ngunit hindi pa rin ako binibigyan ng tadhana ng pagkakataong gawin ang mga bagay na gustong- gusto kong gawin. Para bang pinipilit mong pumasok sa nakakandadong pinto. Parang ganun. Pero parang lang ha… Minsan kasi, pwede mo namang susian, kung nakakandado nga. di ba? Kaya naman, hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa. Bata pa naman ako eh, at tska cute. Matagal tagal pa akong mabubuhay dito sa earth para…

  1. …matutunang i-piano ang D Canon. Yung tipong hindi tinitingnan yung tiklada ng piano, tska with matching pa-emote-emote habang tinutugtog yun. Hanep! Astig! Gusto ko iyon!
  2. …makapunta sa suspender cables ng malaking bridge at magpapicture…ung senti look…yung tipong ‘pasan ko ang mundo’ na drama.
  3. …magbenta ng lobo sa Luneta Park… Hindi ko pagbebentahan ang mga bumibili ng pulang lobo. Pula lang ang ititinda kong lobo. Bahala sila.
  4. …magpanggap na grasa sa may bandang Vito Cruz tapos sumakay sa lrt ng hindi bumibili ng card. Paano makakasakay sa lrt ba ‘ka mo? eh di lumsot. sus maryanong garapon!
  5. …kantahin ang ‘I don’t want to miss a thing’ sa Big Dome ng alas dos y media ng umaga, ‘Don’t know why’ ng alas doce ng tanghali, at ‘It ends tonight’ ng alas otso ng gabi.
  6. …makaimbento ng portal o warpzone… yung katulad sa online games… yung katulad sa…ewan! basta portal. yung parang kay mahiwagang takure.
  7. …makipagbarilan ng water gun sa mga mafia, kung ayaw nila kay Mojacko na lang.
  8. …makatawid sa Abbey Road habang kinakanta ang Penny Lane…at slow motion pa.
  9. …magkaroon ng alagang octopus. yung kulay pink… pag walang pink, red.. pag walang red, wag na lang! kainin ko na lang yun! tapos habang kinakain ay kakantahin ko ang Octopus’s Garden.
Posted by tsktsk at 1:35:00 | permalink | Add comment

Kwentong Elyen

August 8, 2008

Isang araw may nakasabay akong Kano sa elevator. Pareho kaming sa ground floor ang destinasyon. Pero bago makarating ng ground floor, sa 4th floor ay nagstop-over ang elevator…bumukas ito. Isang Pilipino ang nagtanong, “BABABA BA??” Sagot ko, “BABABA”. Sabi ng amerikano, “ARE YOU ALIENS?”

Natawa naman ako. Lumalaganap na talaga ang ka-elyenan sa mundo. Hindi lang si rimewire ang elyen. Maaaring ang katabi mo ay elyen. Yung nasa likod mo ay elyen. Hindi natin alam. Hindi nga kaya lahat tayo ay elyen? Ikaw, ako, sila, tayong lahat? Maaari. ELYEN TAYO! Elyen! Berde ang dugo nating lahat. Elyens tayong lahat! *blerrr.blerrr*

Posted by tsktsk at 23:24:00 | permalink | comments[2]

sinungaling!

July 29, 2008

Sabi mo, ayaw mo sa mga babae. Ayaw mo sa aming mga kababaihan dahil sabi mo, pare-parehas lang kaming mga manloloko. Sabi ko, hindi lahat. Iba ako.

Sabi mo, hindi ka muna magmamahal. Tinanong mo ako noon kung nagmahal na ba ako, sagot ko sa iyo, “oo.” Sinundan mo pa ng isang tanong, “kanino? in-love ka ba ngayon?” Sagot ko, “hindi…kasi ayaw ko. Nakakatamad kasi. basta wala sa plano ko ang mainlab eh..” Yun ang sabi ko, tapos bumanat ka…sabi mo ikaw din, gagayahin mo ako. Hindi ka muna magmamahal ngayon. Sabi mo magpapahinga ka muna sa pag-ibig. Sabi mo, ayaw mo munang magkaroon ng karelasyon. ‘Yun ang sabi mo. Pero ano yung nababalitaan kong liligawan mo si dakilang crush mo? Ang sakit naman nun. Sa akin mo pa sinabi.

Bakit nga ba kinukwestiyon kita sa mga sinabi mo sa akin… Eh kwentuhan lang naman iyon. Nasasaktan ako. Oo. Bitter ako, aaminin ko. Sorry naman ha.. Masyado akong apektado eh, di mo lang kasi alam. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi ako galit sa’yo o sa kanya…nalulungkot lang ako; lilipas din ‘to. Pramis!

Ang bilis bilis mo magdesisyon. Ano na’ng sunod? Iisipin mo, patay na patay ako sa’yo? Aba. Tama ka jan! Sa katunayan nga eh, hindi ako makatulog ngayon kakaisip ko sa’yo… kung pa’no kita makakalimutan… kung pa’no ko itatatak sa isip ko na hindi na kita mahal. Medyo mahirap. Mahal kasi talaga kita. Siguro ilulugar ko na lang ang sarili ko. Hindi na lang ako magpaparamdam para mas magaan… Hindi na lang kita papansinin, yung katulad dati.. noong hindi pa tayo magkakakilala. Tama. Ganun na lang nga.

Matutulog na ako. aasahang paggising ay nakalimutan na ang lahat ng ‘yong mga nasabi. Kung ‘di ko man magawa ‘yon, pipilitin kong itatak sa isipan ko na KAIBIGAN lang kita. ‘yun lang at wala nang iba.

Posted by tsktsk at 1:06:00 | permalink | Add comment