Home » Post Item » ipikit ang mga mata
ipikit ang mga mata
July 23, 2008nagsasawa na ako. ayaw ko ng mabuhay. sawa na ako sa bawat ginagawa ko sa araw- araw. sawa na ako. sawang- sawa na! hindi ko na alam ang dahilan ng mga ginagawa ko. magulo. malabo. walang kwenta.
sa bawat minutong dumadaan, hindi ko na maisip ang dahilan kung bakit pa ako nananatiling buhay… hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami- dami ng mga natitirang buhay sa mundo, eh isa pa ako sa mga minalas-malas na nananatiling buhay dito sa malamig na mundo. ewan ko nga ba eh. wala naman akong magandang naidudulot dito. pabigat lang naman ako. basura. latak. parang wala na akong dahilan para mabuhay. pero wala pa naman akong napapatunayan sa mundo.. ewan ko ba kung bakit ganito ang naiisip ko. siguro napanghihinaan lang ako ng loob… TAMA! yun na lang siguro ang pinakamagandang dahilan kung bakit ako ganito sa mundo. mahina lang siguro ang loob ko at hindi ko matanggap sa sarili ko na kasama ang salitang “failure” sa normal cycle ng buhay.
tama na muna. magpapahinga na lang ako. siguro ay napapagod na akong maging masaya. siguro ay kailangan ko naman daw makatikim ng hirap at sakit… siguro nga ganoon. sige, ‘yan na lang ang ipapaintindi ko sa utak kong makulit.


