Home » Post Item » kagabi nanaginip ako…
kagabi nanaginip ako…
July 18, 2008…nakita ko ang sarili ko at ang dakila kong enabler sa accounting. hindi ko alam ang gagawin ko. hindi naman ako takot sa kanya. hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. nakaupo lang naman siya. tapos ako nagrereview ng malakas sa harapan niya… nirereview ko ang bank reconciliation, ang accounting policies and estimates, cash and cash equivalents, proof of cash pati na rin cost of goods sold. nasa mood ako nun mag-aral. ang sarap-sarap matuto ng accounting noong mga panahong iyon. pero nakaupo lang talaga ang prof ko sa harap ko at tinitingnan ako kung paano ako magreview ng malakas. pagkatapos ay bigla na lang siyang nawala, at nagising naman ako bigla.


