Home » Post Item » i shall confess
i shall confess
July 17, 2008Heavenly Father, patawad po kasi nagsabi ako ng bad words. sabi ko po Put%@#&@#^o.. sorry po talaga.
nakakainis kasi eh. hindi na nga po ako marunong tumawid, tatawa tawa pa yung drayber nung hindi siya humihinto habang pinapara ko siya. nakakainis kasi eh. muntik na akong mamatay, hindi pa niya tinuloy. eh di sana natuwa ako sa kanya nung tinuloy na niya yung pagsagasa sa akin. diba nakakabad trip iyon?
ito pa po ulit. nasabi ko ulit yun nung may dumaan namang rumaragasang kung anu mang sasakyan yun tapos tinilamsikan ba naman yung mukha ko. di ba nakakabad trip iyon? pagod na pagod na nga ako noon galing eskwelahan tapos dadagdag pa siya para uminit ulo ko. nakakainis iyon.
dalawang beses ko nasabi yung murang yun ngayong linggo. baka umurong ang dila ko isang araw, o kaya ay maubos ang ipin ko. ayaw. nakakatakot. pramis po. hindi na po ulit ako magmumura intentionally.


