Home » Archives » 17. July 2008
i shall confess
July 17, 2008Heavenly Father, patawad po kasi nagsabi ako ng bad words. sabi ko po Put%@#&@#^o.. sorry po talaga.
nakakainis kasi eh. hindi na nga po ako marunong tumawid, tatawa tawa pa yung drayber nung hindi siya humihinto habang pinapara ko siya. nakakainis kasi eh. muntik na akong mamatay, hindi pa niya tinuloy. eh di sana natuwa ako sa kanya nung tinuloy na niya yung pagsagasa sa akin. diba nakakabad trip iyon?
ito pa po ulit. nasabi ko ulit yun nung may dumaan namang rumaragasang kung anu mang sasakyan yun tapos tinilamsikan ba naman yung mukha ko. di ba nakakabad trip iyon? pagod na pagod na nga ako noon galing eskwelahan tapos dadagdag pa siya para uminit ulo ko. nakakainis iyon.
dalawang beses ko nasabi yung murang yun ngayong linggo. baka umurong ang dila ko isang araw, o kaya ay maubos ang ipin ko. ayaw. nakakatakot. pramis po. hindi na po ulit ako magmumura intentionally.
kung natulog na lang ako..
eh di sana wala akong mga pimpols ngayon. at sana nabawi ko pa ang ilang gabing halos hindi ako natulog para lang mag-aral. kung natulog na lang ako kagabi imbes na nag-aral, eh di sana hindi na rin siguro ako magdaramdam kung bakit nagkanda-bagsak-bagsak ang midterm exams ko. langya naman oh. kung kailan ka nag-aral, dun ka naman babagsak. letsugas. kung ganito na lang palagi ang sitwasyon ko, mabuti pang hwag na lang maghanda para sa exam. mas mataas pa nakukuha kong grade kapag hindi ako nag-aaral eh. kung kailan naman ako nagsisipag, saka naman taliwas ang mga nangyayari sa akin. ang weirdo. ewan ko. nakakainis. nakakalungkot. nakakasira ng araw. nakakpang-init-ulo. rrrrr… i hate myself. siguro nga hindi ko pa ito best. EWAN KO. napaka-ironic ng buhay!
sshhh…
sshh… wag kang maingay. nagtatago ako.
wag mo akong ituturo kahit kanino ah.
sikreto lang natin na narito ako.
wag kang maingay…


