July 2008
M T W T F S S
    Aug »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

--

pabayang estudyante. mareklamo. ngumingiti. sumisimangot. takot sa tao. takot sa mundo. natutulog sa dyip. nadadapa. natatapilok. nagtatanga-tangahang tanga. tsk tsk...

Message Board

ankara otelleri:

sad

bayrak:

thanks

ara bölme:

thanks

ara bölme:

thanks

rich:

sigh clocks

ae:

fff

ara bölme:

thanks

bayrak:

thanks

used stationary bikes:

nice blog boss…

indonesia furniture handicraft wholesale marketplace:

Do not forget to always visit the Indonesia furnitur

jc08(Unni):

hi~nice blog..naaliw ako sa mga posts mo,,can i link your blog?thanks~

Sinukuan:

Ang ganda dito.

sinukuan:

Salamat sa pagdaan. Patambay din, kaibigan.=)

tsktsk:

@SAMJUAN: waaaaah! bat ganun? sabi sa mail ko may sinend kang comment.. pero bat ganun? wula naman? waaah! tsk tskk!

Samjuan:

Nakikibasa! Mabuhay ka!

Leave a message ▼

Feed your soul

Sponsored Links

sinungaling!

July 29, 2008

Sabi mo, ayaw mo sa mga babae. Ayaw mo sa aming mga kababaihan dahil sabi mo, pare-parehas lang kaming mga manloloko. Sabi ko, hindi lahat. Iba ako.

Sabi mo, hindi ka muna magmamahal. Tinanong mo ako noon kung nagmahal na ba ako, sagot ko sa iyo, “oo.” Sinundan mo pa ng isang tanong, “kanino? in-love ka ba ngayon?” Sagot ko, “hindi…kasi ayaw ko. Nakakatamad kasi. basta wala sa plano ko ang mainlab eh..” Yun ang sabi ko, tapos bumanat ka…sabi mo ikaw din, gagayahin mo ako. Hindi ka muna magmamahal ngayon. Sabi mo magpapahinga ka muna sa pag-ibig. Sabi mo, ayaw mo munang magkaroon ng karelasyon. ‘Yun ang sabi mo. Pero ano yung nababalitaan kong liligawan mo si dakilang crush mo? Ang sakit naman nun. Sa akin mo pa sinabi.

Bakit nga ba kinukwestiyon kita sa mga sinabi mo sa akin… Eh kwentuhan lang naman iyon. Nasasaktan ako. Oo. Bitter ako, aaminin ko. Sorry naman ha.. Masyado akong apektado eh, di mo lang kasi alam. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi ako galit sa’yo o sa kanya…nalulungkot lang ako; lilipas din ‘to. Pramis!

Ang bilis bilis mo magdesisyon. Ano na’ng sunod? Iisipin mo, patay na patay ako sa’yo? Aba. Tama ka jan! Sa katunayan nga eh, hindi ako makatulog ngayon kakaisip ko sa’yo… kung pa’no kita makakalimutan… kung pa’no ko itatatak sa isip ko na hindi na kita mahal. Medyo mahirap. Mahal kasi talaga kita. Siguro ilulugar ko na lang ang sarili ko. Hindi na lang ako magpaparamdam para mas magaan… Hindi na lang kita papansinin, yung katulad dati.. noong hindi pa tayo magkakakilala. Tama. Ganun na lang nga.

Matutulog na ako. aasahang paggising ay nakalimutan na ang lahat ng ‘yong mga nasabi. Kung ‘di ko man magawa ‘yon, pipilitin kong itatak sa isipan ko na KAIBIGAN lang kita. ‘yun lang at wala nang iba.

Posted by tsktsk at 1:06:00 | permalink | Add comment

nababagabag

July 25, 2008

paglalakad, nakakasama. nakakasakit ng binti lalo pa’t ang suot na panyapak ay may takong. sabihin man nating nasanay na sa pagsuot ng sapatos na may takong, di pa rin natutuwa ang mga binti. masakit. pumipintig. may natatanaw na varicose veins. ampangit. ang sakit. ang sakit. ang sakit! parang pasa. nasa loob ang sakit. wala na. matanda na ba ako? matanda na ba ang mga nagakakaroon ng varicose veins? natural lang daw ito. pero bakit ang sakit? naiinis tuloy ako. hindi ako mapakali sa tuwing nararamdaman ko ang sakit.

basta, ito na yata ang pinakamalaki kong problema ngayon.

NAKAKAIYAK.

Posted by tsktsk at 0:29:00 | permalink | Add comment

Sailormoon

July 23, 2008

natapos na rin sa wakas ang pag-ali-aligid mo sa utak ko.. madali na akong nakakatulog.. hindi ka na rin dumadalaw sa panaginip ko.. madalang na lang din kitang hanap-hanapin.. nasasanay na ako. sanay na akong wala ka. sana lang ay masanay ka rin na wala ako. sanayin mo na ngayon pa lang. kaya mo ‘yan. saglit lang naman akong mawawala, isang oras lang. matutulog lang ako nang mahimbing. pasensiya lang muna, darating ang araw at magkakadaupang- palad tayong muli. hindi ako magtatagal.

kung di mo na talaga kaya, tumingala ka lang sa kaulapan… ako ang mahiwagang buwan. palagi kitang pinapanood. hinding- hindi ka mawawala sa aking mga paningin. ako ang iyong dakilang taga-bantay. kakantahan kita sa tuwing ikaw ay nababagot.. kukwentuhan kita sa tuwing ikaw ay nalulungkot.. h’wag kang mag-alala, iingatan kita.

Posted by tsktsk at 23:30:00 | permalink | Add comment

ipikit ang mga mata

nagsasawa na ako. ayaw ko ng mabuhay. sawa na ako sa bawat ginagawa ko sa araw- araw. sawa na ako. sawang- sawa na! hindi ko na alam ang dahilan ng mga ginagawa ko. magulo. malabo. walang kwenta.

sa bawat minutong dumadaan, hindi ko na maisip ang dahilan kung bakit pa ako nananatiling buhay… hindi ko lubos maisip kung bakit sa dinami- dami ng mga natitirang buhay sa mundo, eh isa pa ako sa mga minalas-malas na nananatiling buhay dito sa malamig na mundo. ewan ko nga ba eh. wala naman akong magandang naidudulot dito. pabigat lang naman ako. basura. latak. parang wala na akong dahilan para mabuhay. pero wala pa naman akong napapatunayan sa mundo.. ewan ko ba kung bakit ganito ang naiisip ko. siguro napanghihinaan lang ako ng loob… TAMA! yun na lang siguro ang pinakamagandang dahilan kung bakit ako ganito sa mundo. mahina lang siguro ang loob ko at hindi ko matanggap sa sarili ko na kasama ang salitang “failure” sa normal cycle ng buhay.

tama na muna. magpapahinga na lang ako. siguro ay napapagod na akong maging masaya. siguro ay kailangan ko naman daw makatikim ng hirap at sakit… siguro nga ganoon. sige, ‘yan na lang ang ipapaintindi ko sa utak kong makulit.

Posted by tsktsk at 23:09:00 | permalink | Add comment

I WON’T MISS YOU

July 20, 2008

  IT WAS THE THIRD FULL MOON- THE BLUE MOON. AND YOU DIDN’T REMEMBER ME. YOU’VE BURIED ME ALIVE IN YOUR DEEPEST MEMORY. I DON’T EXACTLY KNOW YOU. YOU DON’T EXACTLY KNOW ME. IT IS EXISTENT, HOWEVER. YOU’VE FORGOTTEN ME. 12 MONTHS, 365 DAYS. SCARED  OF WHAT LOVE COULD BRING, YOU LEFT ME ALONE. ALONE WITH MY SHADOW, I WALKED ALONG THE BOULEVARD OF SILENT SCREAMS… AND THERE I SWEAR TO MYSELF THAT I WON’T MISS YOU…  BUT WILL STILL BE HERE SILENTLY LOVING YOU.

je vous aime toujours.

Posted by tsktsk at 23:12:00 | permalink | comments[1]